Alas Tres

Good Morning.

Nagising ako ng mga bandang alas-dose at hindi na ulit makatulog.

Nag muni-muni, kasi eto lang yung oras ko para sa sarili ko.

Na walang iibang iniisip na responsibilidad,

Na stiktong sinusundan ang mga gawain na nakasulat sa sariling kalendaryo.

Pandemic.

Ang daming nagbago, maraming binabago.

Wala lang, gusto ko lang magsulat at ilagay dito lahat ng nasa isip ko.

Lahat ng “worries” ko.

At dahil nga pandemic ngayon, limitado ka gumalaw dahil sa mga protocols na para hindi mahawaan ng virus.

Minsan nakakaramdam ng lungkot, ng lumbay.

Pakiramdam mo nag-iisa ka, walang ibang makausap…

Iba kapag sa chat mo lang nakakausap mga kaibigan mo, iba rin kapag may kausap ka talaga at naririnig mga boses nila.

Gusto mo makipag-usap, pero minsan hindi sila pwede.

At naiintindihan ko ‘yon dahil may sarili rin silang mga buhay.

At syempre, busy rin sila.

Wala lang, napaisip lang ako.

Nang dahil sa pandemic na ‘to, it’s full of uncertainties about the future.

Nandito ako sa punto na, nagtatanong.

How can I meet new people?”

How can I develop new friendships and deep relationships with people?”

Na parang na b-bored na ako sa “social life” ko ngayon,

Na kailangan ko na ng mga bagong tao sa buhay ko ngayon.

Na makakahanap ako ng mga tao na kasabay ko na kapareho ng journey na tinatahak ko ngayon.

‘Yon ang mahirap kapag self-employed ka, feeling mo talaga mag-isa ka sa path na tinatahak mo.

Tinatanong ko sarili ko,

How can I still interact with new people in this pandemic?”

How can I still develop meaningful friendships & build new relationship with strangers?”

How can I welcome them in my life?”

Will I still be able to find like-minded people with the same journey as I have?”

Will I still able to find and have a circle of colleagues?”

Yung tipong sila rin, nasa business sila.

Nagsisimula pa lang sila, or yung iba nagpaplano pa lang.

Yung hindi nagkakalayo yung mga edad namin, na mga nasa 20s.

Yung lahat kami may vision, yung lahat may depth.

May aspirations.

May kanya-kanyang goals sa sariling path or business industry na napili nila.

Yung lahat kami may common ground.

Yung tipong magkataon na, nag-krus yung mga landas namin.

Yung tipong mab-build yung friendships namin.

Magtitiwala kami sa isa’t-isa tapos tatagal ng ilang taon at higit pa yung pagsasamahan namin.

Yung klase ng friendship bond na aabot sa punto na magt-travel kami sa ibang lugar kasi we enjoy each other’s company.

Pupunta kami sa Siargao, sa La Union, sa Zambales, o kahit saan pang lugar.

Ayoko kasi ng sobrang daming kaibigan, okay na sa akin yung anim o kaya pito naman kami.

Ayoko ng crowded.

Gusto ko yung konti o sakto lang.

Yung totoo.

Walang pretentions,

Yung pwede maging “ako”, yung pwede maging “sila”

Yung depth, may matutunan ka sa kanila.

At may matutunan rin sila sayo.

Yung kailangan mo sila,

At kailangan rin nila ako.

Syempre namimili ako ng taong kakaibiganin ko, nang taong papapasukin ko sa buhay ko.

Yung mga taong hahayaan kong mag-impluwensiya sa buhay ko.

Ayoko ng kung sino lang,

Ayoko yung walang ibang nasa isip kundi alak o gimik

baka mapasama lang buhay ko kung hindi ako magiging maingat sa mga pinipiling kaibigan ko.

Okay naman ako sa mga kaibigan ko, mga High School & College friends ko.

Pero alam ko mga busy rin sila, parang nag-uusap lang kami ‘pag may latest chika or kwento sa bagong ganap sa buhay ng bawat isa.

Masaya ako sa kanila, nag o-open kami sa bawat isa.

And we are happy with each other’s success & supports each others’ dreams & aspiration in life.

We got each others’ back.

Pero syempre, darating ang panahon

Maghahanap ka rin ng mga bagong tao sa buhay mo,

Na may kaparehong journey katulad mo.

Na may kaparehong aspirations or parehong passion katulad ng sayo.

Na maghahanap ka ng medyo malalim pa na pagkakaibigan.

Na may makikilala kang mga bagong tao sa buhay mo

Na makakatulong sa bagong yugot na hinaharap niyo.

Yung mas mature.

Mas mature na usapan.

Mas mature na goals.

Mas mature na pagkakaibigan.

Where each other has the same goals & passion as yours.

Oh I’m hoping I could find someone like that.

A group of people, as well.

Where I could finally found a “circle” where I truly belong.

Where we can learn from each other’s journey.

We can be inspired from each other’s wisdom.

No judgements, no pressure, no competition, no insecurities

It’s just that, you inspire each other and you learn together.

Saan ba kayo makikita?

Saan ko ba kayo pwede makilala?

Lalo na pandemic ngayon, paano kaya ako magkakaroon ng bagong kaibigan?

Paano kami makakapag-build up ng friendships o relationships with new people?

Yung may matatawag akong bagong tropa.

Yung may lalaki rin akong matatawag na kaibigan.

Yung tropa ha, HAHAHAHA!

Pero minsan nga ini-imagine ko rin, what if kako magkaroon rin ako ng tropa na guy.

Someone who’s gwapo, full of wisdom and aspirations in life. HAHAHAHA

Yung tipong sa una, wala munang any romantic feeling or whatever.

Basta yung pure tropa.

Yung tipong pwede kang makipag-hampasan pag nakikipag-biruan at tumatawa ka,

yung pwede mong tanungan at magpa-consult sa isa’t-isa yung anything about business.

Then eventually, malay mo naman pwede maging kayo. Malay mo lang naman. HAHAHAHA!

Minsan tinatanong ko rin sarili ko, kung paano ako magkakaroon ng kasintahan o may makikilala ba akong matinong tao sa sitwasyon natin ngayon na nasa bahay lang?

Pero ayun nga,

Sana…

Sana makahanap tayo ng ganong mga klase ng kaibigan,

pero hindi ko talaga alam kung paano

lalo na sa panahon ngayon ng pandemic, kung saan lahat ay nasa bahay lang

ang way of communication lang ay Digital.

Paano makakabuo ng Trust, makakabuo ng malalim at makabuluhang bagong pagkakaibigan.

Hindi ko alam.

Pero sana,

Sana makahanap rin tayo ng ganong klase ng mga tao,

Na darating sa buhay natin, at magbibigay ng malalim at makabuluhang pagsasamahan.

Leave a comment