Alas-tres na ng umaga perogising pa rin ako hanggang ngayon.
Ayoko ng paligoy-ligoy pa, ngayon ako nagkaroon ng gana isulat lahat ng ‘to na gumugulo sa isip ko.
Sabi ko pa naman sa sarili, kahapon na yung huling pagkakataon na kakamustahin ko si Jeremiah. Sabi ko, ‘yon na yung huli. Kasi aminado ako sa sarili ko , kaya ko na siyang tiisin.
Kaya ko nang tiisin na hindi siya makita o malaman man lang kung anong kinalalagyan niya sa oras na ‘to.
Kaya ko na pala.
Paulit-ulit tumatakbo sa isip ko yung sinabi niya na,
Oo, hanggang ngayon ay bakante siya at wala pa rin siyang karelasyon.
Di ko makakalimutan na sinabi niya,
“I’m waiting for someone”
“Waiting for the right woman” .
Tatlong beses niya binanggit yun sa mga live niya, na hanggang ngayon naghihintay pa rin siya.
“Naghihintay pa rin ako”,
“Naghihintay pa ‘ko ng right timing”,
“Di pa dumarating eh.”
“Gusto kita pero wag ka muna magmadali”
So ibig-sabihin, wala sa mga kasama niya yung taong hinihintay niya? Wala dun.
Alam mo, nitong mga nakaraang araw napalaya ko na yung sarili ko eh. Sabi ko, tanggap ko na, baka nung mga panahong yun dun lang niya ako nagustuhan.
Ilang taon na rin, mag d-dalawang taon na rin yung huling kita namin.
Ang tagal ko nang nag h-hold on sa past.
Sabi ko sa sarili ko, sa ngayon bibitaw muna ako.
Tanggap ko na, na hindi man tayo pwede ngayon, malay mo sa future may oras para sa atin dun.
Jeremiah has been so loyal throughout these years, so am I. Siya pa rin.
Biro mo, magkakasunod na buwan, pare-parehong statement pa rin sinasabi niya, na naghihintay pa rin siya, na “may hinihintay” siya.
Kinu-kwestyon ko sarili ko, baka nagiging assuming lang ako…
Pero napa-isip din ako, ano bang pinanghahawakan ko kaya naniniwala ako na,
Ako nga yung tinutukoy niya.
Yung sunod-sunod na pangyayari nakaraan.
Yung mga panaginip na nagkatotoo na, yung dulo na lang talaga. Pinagkaloob nga ng Diyos na mangyari lahat ng ‘yon, paano pa yung natitirang panaginip na ‘yon? Ramdam ko yung loyalty at pananampalataya ni Jeremiah. Ramdam na ramdam ko.
Ang daming nangyari, sana naiisip pa niya nga talaga ako.
Si Jeremiah kasi yung tipo ng tao na hindi naniniwala sa Online Dating. Siya yung tipo ng tao na straight-forward, malinaw, pero may boundaries at respeto na hindi gagawa ng galaw na makakapagbigay ng mali-maling motibo. Hindi siya babanat sa isang babae, na ang label lang naman niya ay isang kaibigan o stranger. His acting on his label.
Kaso ang problema, si Jeremiah din yung tipo na gusto patagalin ang mga bagay-bagay. Gusto niya matagal. Kaso gaano katagal?
Pero baka nga, nasa maling panahon pa talaga.
Pero kahit na, kahit na malayo kami. Di ba niya magawang i-add ako sa facebook? Subukan i-reach out ako sa instagram? o sa twitter? Bakit nung nag reached-out ako nung July 2019, hindi siya sumagot? Bakit tumagal ng November, pagkatapos ng birthday niya, dun lang siya nagparinig ng ganon? Na wala sa isip ko na birthday pala niya yon, nakita niya ba ako nung araw na ‘yon?
Ngayon, pagkatapos ko mapanood yung live niya. Masaya ako. Bigla akong nabuhayan. Ang sarap pala maghintay, kasi nalaman kong hinihintay din ako ng taong hinihintay ko.
Yung pag-asa ko, nakaasa dun sa pangako ng Diyos. Yun yung pinanghahawakan ko.
Yung vision na nakita ko. Yung mga panaginip na magkasunod-sunod na nangyari.
Yung pananampalataya ko sa Diyos at sa pangako niya, yun yung pinanghawakan ko.
Na hindi ko mabanggit sa mga kaibigan ko, dahil panigurado hindi nila ko maiintindihan. Ramdam ko rin yung pananampalataya ni Jeremiah. Hanggang ngayon, parehong-pareho talaga.
Tatlo kaming naghihintayan.
Mga panahong nanghihingi ako ng clarity kay Chun, hindi niya binigay. Nag-mukha pa akong napahiya. Pero kasi, hindi naman ako tanga, na harap-harapan na yung pruweba mabulaklak na yung mga salita, tapos sasabihin sa akin, biruan lang?
Hindi naman na tayo bata pa maglaro ng connect the dots. Unless na lang, kung hanggang ngayon nilalaro pa rin ‘yon ngayon.
Ang akin lang naman, tigilan ni Dave paglaruan yung feelings ko by sending those mixed signals. Mang g-ghost ka, tapos nung meeting natin, nung magkausap tayo, parang wala lang? Babanat ka kaagad? Sunod-sunod yung banat mong ganon?
Yung galawan ng kaibigan niya at si Dave, ang labo. Yung takot niya, yung dahilan ng pagiging urong-sulong niya. Tapos magpaparinig, “Anong nangyari sa ating dalawa?” “Mag mumuni-muni muna ako dito, ayoko madiliin yung ma bagay-bagay”
Hindi siya aware na napaglalaruan na pala niya yung feelings ko.
Sa pagiging passive mo, Dave. Papanoorin kita kung paano dudulas sa kamay mo yung oportunidad.
May opportunity ka ngayon, na wala si Jeremiah.
Hindi palagi, nandito ako.
Meron at meron dyan na naghihintay kung kelan pwede siya naman.
Pareho kaming tatlong naghihintayan.
Ako, naghihintay dito kung sino mauuna sa kanilang dalawa.
Pero alam mo panalangin ko?
I hope that healthy fear of Dave would continually protect him from being hurt.
I don’t want to hurt anybody. Sana yung fear na yon, protektahan siya. Kasi kapag nilakasan niya loob niya, baka masaktan ko lang siya.
Pag umamin siya, masasaktan ko siya.
Mas mabuting wag na lang.
Sana,
Sana si Jeremiah yung mauna.
Sana kumapit pa siya sa pananampalataya niya.
Kasi ako kumakapit pa, dahil hanggang ngayon nakakapit pa siya.